Writing Standards | The Learning Library

Writing Standards

How well does your child read and write for his or her grade level? At The Learning Library, we use U.S. and Philippine curriculum standards for Reading and for Filipino. The programs aim to keep students improving in both comprehension and composition. We offer free assessment to help parents know if their children are able to excel, or need help in meeting these standards.

The Reading Advantage

Reading and Writing Standards

Grade Level Reading Comprehension Writing
1-2 John walked many miles in all kinds of weather. He had to cross dangerous rivers and find his way through strange forests. Often, he was hungry, cold and wet (QRI-4, Pearson) Mom has a big green book at home. She keeps it on the shelf with the smaller old books. She reads it to me sometimes.
3-4 Whales and fish both live in the water, but they are different in many ways. Whales are large animals that live in the water. They come to the top of the water to get air. Whales don’t get air like fish. Fish take air from the water. (QRI-4, Pearson) I enjoy going to the supermarket with my parents. We usually buy groceries after going to the church. In the supermarket, mom holds the list of items to buy, and I help Dad to get the items from the shelves.
5-6 Humidity is moisture in the air in the form of gas called water vapor. This water vapor comes from oceans, lakes, rainfall and other sources from which water evaporates into the air. Meteorologist refer to relative humidity when reporting how much water vapor is in the air. Relative humidity is the ratio that compares the amount of water vapor in the air to the largest amount of moisture the air can hold at that temperature. (QRI-4, Pearson) A dictionary contains a definition of friendship. An encyclopedia supplies interesting facts on friendship. But all the definitions and facts do not convey what friendship is really all about. It cannot be understood through words or exaggerations. The only way to understand friendship is through experience. It is an experience that involves all the senses. (k12.thoughtfullearning)
7-8 Fireworks were probably invented in China about seven hundred years ago. A mixture of saltpeter, sulfur, and carbon was found to be useful for two quite different purposes: gunpowder and fireworks. Since then, these two explosives have developed at the same time. Metallic compounds add color to the sparks. Sodium compounds produce a yellow color. Calcium compounds make red. Green comes from Barium and blue-green from Copper. Ammonium compounds change the shades of these colors, and sulfur make the color more brilliant. (QRI-4, Pearson) You see it every day, especially in freeway traffic. A car is weaving back and forth, speeding up then slowing down, or suddenly stopping. No, it’s not a drunk driver. It’s a cell-phone driver. Cell phones are used everywhere, but on the road they are a dangerous distraction to drivers and should be prohibited. Cell phones can be a vital link in emergencies, but drivers need to use them wisely. (k12.thoughtfullearning)
9-10 Classifying viruses is difficult because they are so diverse. As a result, biologist have developed several different ways of organizing viruses. Sometimes they are organized by shape, sometimes by the host they infect. Viruses may also be classified according to the ways they function inside a cell. (QRI-4, Pearson) It may seem like just another helpful source of information, but the Internet has taken the theft of “intellectual property” to a new level. Part of the problem is that most students don’t really know the exact definition of plagiarism or its consequences. Some say that using someone else’s ideas without attributing them is a form of theft, but most people don’t think of it as a serious crime. (k12.thoughtfullearning)

Wika’y Galing

Pamantayan sa Pagbasa at Pagsulat sa Filipino

Grade Level Pamantayan sa Pagbasa Pamantayan sa Pagsulat
1-2

Ang Super Dyip ni Tatay

Araw-araw, may nakamamanghang paglalakbay si Tatay. Sakay siya ng kanyang makintab na dyip na may mga dekorasyon. Kailangan niyang maghatid ng maraming tao sa iba’t ibang lugar.

Bawat kanto, may kumakaway at sumisigaw na “Para!”

Bumibiyahe si Tatay kahit maulan. Minsan, nagmamaneho siya hanggang gabi.

Tuwing Linggo, tinutulungan ko si Tatay sa trabaho. Ako ang nangongolekta ng bayad ng mga pasahero.

Siya ang superhero ko, at ako ang sidekick niya.

- Adarna Wikahon

Ang tatay ang nagtatrabaho sa pamilya.

Si kuya ang nakatatandang kapatid na lalaki.

Si bunso ang huling anak.

Nanonood ng telebisyon si kuya.

Natutulog sa kama si ate.

3-4

Ang Alamat ng Pinya

Sa isang maliit na nayon, nakatira si Pina at ang kanyang ina. Dahil kaisa-isang anak, nakukuha ni Pina ang lahat ng gusto niya mula sa kanyang ina. Walang ginawa si Pina kundi maupo sa hardin at tingnan ang mga bulaklak.

Minsan, nagkasakit nang malubha ang nanay ni Pina. Inutusan niya si Pina na magluto ng lugaw para sa kaniya. Subalit nagkunwari siyang hindi nakikita ang sandok upang makatakas sa pinagagawa ng ina.

“Nandiyan lang ang sandok sa kusina,” sabi ng nanay niya.

“Pero hindi ko nga po makita!” sagot ni Pina. At pumunta si Pina sa hardin upang tingnan ang mga bulaklak.

Sa inis ng kanyang ina, bigla niyang nasabi: “O Bathala, bakit po hindi na lang ninyo gawing reyna ng hardin ang anak ko nang hindi na niya akong suwayin? Bakit po hindi na lang ninyo siya gawing isang halamang may sandaang mata?”

Ilang araw lang ang lumipas at gumaling ang nanay ni Pina. Hinanap niya si Pina sa hardin ngunit ang natagpuan ay isang kakaibang halaman. Kulay ginto ito at may korona, at kung titingnang maigi ay may sandaang mata.

Mula noon, hindi na niya nakita pang muli si Pina.

- Adarna Wikahon

Naalala ko pa noong bata pa ako. Ipinangako ko sa aking sarili na ako‎‎’y magiging isang guro. Gusto kong turuan ang mga batang matutong magbasa at magsulat, upang tulungan silang maging maayos ang kanilang kakayahan para sa kanilang paglaki. Ibig kong maging tapat akong tagapaghatid ng kaalaman at maging mabuting halimbawa sa lahat ng tao. Ikaw, ano naman ang pangarap mong maging paglaki mo?

-- Pluma, Baitang 3

5-6 Anim na Sabado ng Beyblad (Bahagi Lamang)
ni Ferdinand Pisigan Jarin

Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kaniyang gilagid.

Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanungin niya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.

Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.

Pandesal

“Tinapay na may asin” ang literal na ibig sabihin ng Espanyol na pan de sal. Ang sangkurot na asin (sal sa Espanyol) marahil ang ikinatangi nito upang maging paboritong panghalili sa almusal ng isang bansang higit na nasanay kumain ng kanin. Maliwanag na isang pamana ng kolonyalismong Espanyol ang pandesal. Ni hindi nagtatanim ng trigo ang mga Filipino nang dumating ang mga Espanyol noong ika-16 dantaon. Subalit kailangang ipag-utos ang pagmasa ng galapong na trigo para gawing tinapay dahil ito ang nakamihasnang pagkain ng mga mananakop. Bukod pa, gawa mula sa pinakapinong arina ang ostiyang Kristiyano. Bukod sa pandesal, nahilig ang mga Filipino sa ibang tinapay bilang meryenda at siyempre pa’y naging kakompetensiya ng katutubong kakanin at puto. Naging popular ang ibang tinapay kaugnay ng mga pistang panrelihiyon. Halimbawa, ipinasok ng mga Espanyol ang pagkain ng tinapay tuwing Setyembre 10 sa mga parokyang patron si San Nicolas Tolentino, isang ermitanyong Italyano at kasapi ng ordeng Agustino. Karaniwang inilalarawan siyang nakadamit ng itim at may hawak na liryo. Kung minsan, may hawak siyang bulsikot o piraso ng tinapay na sumasagisag sa kaniyang patuloy na pagtulong sa mga maralita hanggang mamatay siya noong 1306. Sa Filipinas, itinuturing na patron ng mga panadero si San Nicholas.
-Deped Learning Material

7-8 Ang Gintong Hiyas ng Magulang

Isang araw, ang magkapitbahay na sina Cita at Luisa ay nag-uusap tungkol sa pinakamahalagang bagay sa kanilang buhay. Para kay Cita, ang kaniyang kabuhayan, ginto, at alahas ang pinakamahalaga. Para naman kay Luisa, ang kaniyang tatlong anak ang natatangi niyang hiyas. Tulad ni Aling Luisa, kahit sino pang magulang ay tiyak na sasabihing ang kanilang anak ang natatangi nilang hiyas at pag-asa sa kinabukasan. Bilang anak, paano mo masusuklian ang pagmamahal sa iyo ng iyong mga magulang? Hindi sapat na batiin at bigyan sila ng regalo tuwing sasapit ang Araw ng mga Ina o Ama. Kailangang ang anak ay maging masunurin sa mga magulang at magtapos sa pag-aaral upang magkaroon ng matatag na hanapbuhay. Kung ito ay maisasagawa ng mga anak, ano kayang damdamin ang mangingibabaw sa kanilang tahanan? Ang pagmamahal sa magulang ay isang bagay na madalas nating ipagwalang-bahala. Kabaligtaran naman ang ginagawa ng ating mga magulang na walang sawang nagmamahal sa atin. Kung ginagabi tayo sa pag-uwi, di ba’t sila ang kauna-unahang sumasalubong sa atin? Kung tayo ma’y napagagalitan, ito’y bunga na rin ng pagmamahal nila sa atin. Ano kaya ang mangyayari kung sakaling tayo’y pabayaan ng ating magulang sa bawat maibigan natin? Kaya’t habang sila’y ating kapiling pa, mahalin natin at igalang ang ating mga magulang. Wala silang maaaring kapalit pa sa daigdig na ito.
-Deped Learning Material

Si Rizal, ang ating Bayani

Ang aralin ngayon ay tungkol kay Jose Rizal. May naaalala ba kayo hinggil sa buhay ng ating bayani? Si Jose Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang palayaw ni Jose Rizal ay Pepe. Siya ang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ang pampitong anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo y Quintos. Si Teodora ay may mga katangian ng isang huwarang ina. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidadat Soledad ang mga kapatid ni Jose. Ipinadala si Jos_e Rizal sa Binan, Laguna upang mag-aral. Natanggap niya ang kanyang Batsilyer sa Sining mula sa Ateneo Municipal de Manila. Natapos niya ang kursong Medisina sa Universidad Central de Madrid sa Espanya. Ang Noli Me Tangere ay ukol sa pag-aabuso ng mga paring Espanyol. Si Josephine Bracken ay naging mahalagang bahagi ng buhay ni Jose Rizal. Si Jose Rizal ay tinuturing isang repormista para sa isang malayang lipunan. Ikinulong siya sa Fort Bonifacio.

Ang pagmamahal niya sa Pilipinas at sa mga Pilipino ay kanyang ipinakita sa tulang Ultimo Adios. Binaril si Jose Rizal sa Bagumbayan, Maynila. Inialay niya ang kanyang buhay para sa Pilipinas. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan. Ano ang magagawa mo para sa kabutihan ng ating bansa?
-Deped Learning Material

9-10

MABANGIS NA LUNGSOD
Efren R. Abueg

Ang gabi ay hindi napapansin ng labin-dalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.

Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.

Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan. “Mama... Ale, palimos na po.” Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas. “Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!”
-Deped Learning Material

Nang Maging Mendiola Ko
Ang Internet Dahil kay Mama
ni Abegail Joy Yuson Lee
(Ikalawang Gantimpala, Carlos Palanca Memorial Awards para sa Kabataan Sanaysay)

Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip. Iyan ang paulit-ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman ako nagsalita upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong hindi nagsasabi ng tunay na nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may punto naman siya doon. Tama naman talaga siya. Ginagamit natin ang ating mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga saloobin kaagapay ang utak upang iproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga bagay-bagay na nangyari sa ating paligid.

Ngunit, naisip ko, habang sinasabi na naman niya sa akin ang paborito niyang linya, paano naman kaya ang mga piping hindi naisasalita ang kanilang mga saloobin? O kaya, ang mga taong katulad ko na nahihiya o kung minsan ay natatakot isalita ang mga saloobin? Paano kaya nila sasabihin sa mga tao sa paligid nila ang kanilang mga hinaing? Paano kaya nila maipararating ang kanilang mga nasasaisip. Paano kaya nila maipagtatanggol ang kanilang mga sarili laban sa iba? Hindi naman sa lahat ng oras ay nariyan ang mga taong nakauunawa sa bawat pagkumpas ng kanilang mga kamay at pagbabago ng ekspresyon ng kanilang mga mukha o ang mga simpleng pananahimik nila sa sulok ng bahay. Nagtataka ako. Paano kaya nila sasabihin ang mga gusto nilang sabihin kung ipinagkait sa kanila ang kakayahan at karapatang makapagsalita?
-Deped Learning Material

"Sa Learning Library ako ay masaya dahil marami akong nababasang aklat. Tinuturuan nila ako magbasa at magmahal ng aklat. Marami na akong nabasa tungkol sa iba’t ibang alamat. Ito ang dahilan kung bakit ko gustong gusto ko ang pagbabasa ng libro...."

Jared Villanueva, 10

View Testimonials


SIGN UP NOW